Itinigil na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang paggamit ng mga signal jammer para kontrolin ang paggamit ng telepono at iba pang mobile devices sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay BuCor Officer-in-Charge Gregorio Catapang Jr., mayroon na silang kakayahan nai-monitor ang mga ginagamit na gadget na hindi naka-rehistro sa kanilang ahensya.
Inamin din ni Catapang na kahit sila ay nagkakaroon ng problema sa jamming kaya’t hindi makapag-usap nang maayosdahilan din kung bakit itinigil ang paggamit nito.
Nakabili na rin anya ang BuCor ng mga tablet na gagamitin ng mga preso sa pakikipag-usap sa kanilang mga pamilya at drones para subaybayan ang mga aktibidad ng mga gwardiya at preso.
Samantala, na-i-turn-over na ang mga nakumpiskang cellphone mula sa mga bilanggo pero nilinaw ng BuCor Chief na susuriin pa ang mga ito upang makapangalap ng anumang ebidensya.
Pinag-susuot naman ng mga body cameras ang mga jailguard upang masugpo ang anumang katiwalian sa loob ng Bilibid. - sa panulat ni Hannah Oledan