Ikinababahala ng isang international law expert ang paglalagay ng China ng isang signal-jamming device sa Mischief o Panganiban Reef na bahagi ng pinag-aagawang Spratly Islands.
Ayon kay University of the Philippines College of Law Professor Jay Batongbacal, may kakayahan ang nabanggit na aparato na i-sabotahe ang radio communications ng Armed Forces of the Philippines.
Maaari rin anyang magamit ang jamming device laban sa buong A.F.P. at saanmang lugar sa Pilipinas at may epekto sa mga nagpapatrol na barko ng Philippine Navy sa Pag-Asa Island at Ayungin Shoal.
Magugunitang noong mga nakalipas na taon ay sinabotahe umano ng China ang radio communications ng Indonesian authorities na humahabol sa isang Chinese vessel.