Magpapatupad ang pulisya ng signal jamming sa ilang bahagi ng Quezon City para sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni National Capital Region Office (NCRPO) Chief, MGen. Vicente Danao na nagkasundo ang local government unit (LGU) at mga raliyista na magsagawa lamang sila ng pagkilos sa limitadong lugar.
Maaari lamang mag-rally ang anti-duterte protestershanggang sa St. Peter’s Chapel sa Tandang Sora, Quezon City habang wala pang lugar para sa mga pro-Duterte.
Hiniling naman ni Danao sa mga magsasagawa ng rally na makiisa sa contact tracing at sumunod sa minimum health protocols lalo na ngayon na nahaharap ang bansa sa banta ng mas nakakahawang Delta variant.
Gayunpaman, wala pang nakikitang banta sa seguridad pero hindi aniya magpapakakumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) sa pagbabantay sa sona ng pangulo.