Plano ng Department of Justice o DOJ na tanggalin na ang signal ng cellphone sa kabuuan ng NBP o New Bilibid Prisons.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, ito lamang ang nakikita nilang paraan upang isandaang porsyentong mawala ang bentahan ng illegal drug mula sa pambansang bilangguan.
Inihayag ito ni Aguirre makaraang matuklasan ang anya’y unti-unting pagbabalik ng bentahan ng illegal drugs sa NBP gayung wala pang isang taon mula nang masawata nila ito.
Sinabi ni Aguirre na mayroon na silang nakuhang isandaang (100) milyong pisong pondo para malagyan ng jamming device ang buong NBP.
Una rito, pinapalitan na ni Aguirre ang mga bantay na Special Action Force o SAF sa NBP dahil posible anyang naging malapit na sila sa ilang mga preso na sangkot sa illegal drugs trade sa NBP.
“Kinukumpirma ko pong muli kung tama ito, hindi ko po papayagan na lumaki ito kaya nga I immediately reacted on this, tamang-tama naman matagal na nating nine-negotiate ito, a device which will jam all the communications inside the Bilibid, malaki-laki lang ang gastos dito but this will prevent the drug trade inside the Bilibid.” Pahayag ni Aguirre
By Len Aguirre | Karambola (Interview)
Signal jamming planong ipatupad sa buong Bilibid was last modified: July 4th, 2017 by DWIZ 882