Nananatiling nakasailalim sa Signal No. 1 ang 11 lugar sa bansa.
Kasunod na rin ito ng ikatlong pagkakataong pagtama sa kalupaan ng Tropical Depression Ofel sa bahagi ng Burias Island, Masbate dakong alas-12 ng tanghali ngayong Miyerkules.
Ayon sa PAGASA, nakataas ang Tropical Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar (as of 2PM):
- Batangas
- southern portion ng Laguna (Luisiana, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Rizal, San Pablo City, Calauan, Alaminos, Los Baños, Bay, Magdalena)
- central at southern portions ng Quezon (Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Narciso, San Andres, Mulanay, San Francisco, Catanauan, Lopez, Calauag, Quezon, Alabat, Perez, Atimonan, Tayabas City, Mauban, Sampaloc, Lucban, Gumaca, General Luna, Macalelon, Pitogo, Unisan, Plaridel, Padre Burgos, Agdangan, Pagbilao, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio),
- Calamian Islands,
- Occidental Mindoro,
- Oriental Mindoro,
- Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur,
- Catanduanes,
- Albay,
- Sorsogon,
- Masbate (kabilang na ang Ticao at Burias Islands)
Magugunitang una nang nag-landfall ang Bagyong Ofel sa bahagi ng Can-avid, Eastern Samar kaninang madaling araw, at ikalawa naman sa bahagi ng Matnog, Sorsogon kaninang alas-6 ng umaga.