Tatlong lugar sa bansa ang nakasailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 dahil sa pananalasa ng Tropical Storm Pepito.
Ayon sa PAGASA, nasa bahagi na ng West Philippine Sea ang Bagyong Pepito.
Dahil dito, isinailalim na sa Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar:
- La Union
- northern portion of Zambales (Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz)
- kanlurang bahagi ng Pangasinan (Bani, Anda, Bolinao, Agno, Dasol, Burgos, Alaminos City, Mabini, Sual, Infanta, Bugallon, Labrador, Aguilar, Mangatarem, Urbiztondo, Basista, Malasiqui, San Fabian, Pozzorubio, Sison, Laoac, Urdaneta City, Manaoag, San Jacinto, Dagupan City, Mangaldan, Mapandan, Santa Barbara, San Carlos City, Calasiao, Binmaley, Lingayen)
Samantala, nakataas naman ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- nalalabing bahagi ng Pangasinan
- Abra
- kanlurang bahagi ng Kalinga (Balbalan, Pasil, Lubuagan, Tinglayan)
- kanlurang bahagi ng Mountain Province (Barlig, Sadanga, Bontoc, Sagada, Sabangan, Bauko, Tadian, Besao)
- kanlurang bahagi ng Ifugao (Banaue, Hingyon, Kiangan, Tinoc, Hungduan, Asipulo)
- Benguet
- kanlurang bahagi ng Nueva Vizcaya (Ambaguio, Kayapa, Aritao, Santa Fe)
- kanlurang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, Muñoz City, Santo Domingo, Zaragoza, Aliaga, Licab, Guimba, Talugtug, Quezon, Nampicuan, Cuyapo),
- Tarlac
- nalalabing bahagi ng Zambales
Huli namang namataan kaninang alas-7 ng umaga ang Bagyong Pepito sa layong 115 kilometro, hilagang-kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 77 km per hour at pagbugsong aabot naman sa 90km/hr.
Kumikilos ito pa-kanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/hr.
Samantala, ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas pa ang Tropical Storm Pepito at magiging Severe Tropical Storm sa bahagi ng West Philippine Sea sa Huwebes ng hapon o gabi.