Nakataas pa rin sa Signal number 3 ang ilang bahagi ng Batanes kabilang ang Basco, Mahatao, Uyugan, Ivana, Sabtang pati na rin ang Babuyan Island dahil sa bagyong Neneng.
Batay ito sa pinakabagong ulat ng PAGASA kaninang ala-11 ngayong umaga matapos maglandfall ang bagyo sa Calayan Island, Cagayan.
Taglay ng Bagyong Neneng ang hanging aabot sa 100 kilometero kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 125 kilometers kada oras.
Habang kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Itinaas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal no.2 sa natitirang bahagi ng Batanes, Cagayan, Apayao , hilagang bahagi ng Abra at Ilocos Norte
Nasa ilalim naman ng Signal no. 1 ang hilaga at gitnang bahagi ng Isabela, Kalinga, natitirang bahagi ng Abra, Mountain Province , hilagang bahagi ng Ifugao at hilaga at gitnang bahagi ng Ilocos Sur.