(11 AM Update)
Bahagyang bumagal ang bagyong Basyang habang kumikilos na pa-kanlurang direksyon.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang bagyo sa layong 620 kilometro silangan timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 22 kilometro kada oras.
Nakataas ang signal number 2 sa Surigao del Sur habang signal number 1 sa Southern portion ng Samar, southern portion ng Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Bohol, Cebu, Negros Oriental and Siquijor Dinagat Islands, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Camiguin, Compostela Valley, Davao Oriental, Davao del Norte, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Bukidnon, at northern portion ng Zamboanga del Norte
Ayon sa PAGASA, asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Davao Region at Zamboanga Peninsula sa loob ng 24 oras.
Pinayuhan din ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na mag-ingat laban sa posibleng landslides at flashfloods.
Inaasahang tatama sa lupa ang bagyo bukas ng umaga, Pebrero 13 sa bahagi ng Caraga Region.
Mapanganib naman ang paglalayag sa mga seaboards ng Northern Luzon, eastern seaboards ng Central at Southern Luzon, Eastern Visayas, at mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signal.
By Aiza Rendon