Inilarga na ng mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa Hong Kong ang kanilang signature campaign para hilingin ang resignation ni Ninoy Aquino International Airport (NAIA) General Manager Jose Anghel Honrado.
Sa gitna na rin ito ng kontrobersya kauygnay sa isyu ng tanim bala sa NAIA.
Ayon sa mga OFW sa Hong Kong, layon nilang makakalap ng 5,000 lagda para maiparating nila ang hinaing sa kontrobersya.
Iginiit ng mga OFW na dapat nang matanggal sa puwesto si Honrado para mahinto na ang kaliwa’t kanang kontrobersya na kinasasangkutan ng NAIA.
Incompetent anila si Honrado kaya’t dapat na itong sibakin lalo na’t walang ipinagbago ang sistema sa NAIA simula nang mahirang itong NAIA Chief noong 2010.
Si Honrado rin anila ang dapat sisihin sa bansag na world’s worst airport sa NAIA sa tatlong sunud-sunod na taon.
By Judith Larino