Umapela sina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at running mate nasi Davao Mayor Sara Duterte sa mga lokal na opisyal sa mga lugar na sinalanta ng bagyong ‘Odette’ na tiyaking nasusunod ang mga health protocol sa mga evacuation center.
Ginawa ng BBM-Sara UniTeam ang panawagan bunsod ng pangambang kumalat ang ibat-ibang uri ng mgasakit, partikular na ng COVID-19 kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso nito.
Giit pa ng BBM-Sara UniTeam, kapag nangyari ito ay lalo pang lalaki ang problemang kakaharapin kaya’t dapat aniya itong mapigilan.
Dapat din anilang mahigpit na ipatupad ang mga health protocol, tulad ng pagdi-disinfect sa mga temporary shelter at paglalaan ng mga hugasan ng kamay at pamimigay ng mga alcohol at face mask.
Samantala, patuloy naman ang pamamahagi nina Marcos at Duterte ng tulong ng sa mga biktima ng nagdaang bagyo.
Maliban sa mga cash at relief goods, namigay rin ang BBM-Sara UniTeam ng libu-libong galon ng tubig at water filtration kits at maging mga construction material.
Kamakailan din ay namahagi ng mga generator set at satellite dish ang BBM-Sara tandem sa mga lugar na walang signal ng telepono at walang kuryente.