Sumakabilang buhay na ang tanyag na Nigerian drummer na si Tony Allen sa edad na 79.
Ayon kay Eric Trosset, manager ni Allen, yumao ang sikat na drummer sanhi ng sakit sa puso habang ito’y nananatili sa Paris.
Gayunman, itinanggi ni Trosset na dinapuan ng coronavirus si Allen taliwas sa mga umuugong na balita sa social media.
Magugunitang si Allen ay co-founder ng Afrobeat Musical Genre, isang kombinasyon ng fudi music ng west Africa at highlife style ng American funk at jazz.
Sumikat si Allen bilang miyembro ng bandang Africa sa pangunguna ni Fela Kuti noong dekada 60 hanggang 70.
Dahil dito, nagluluksa ang buong industriya ng mga mang-aawit dahil sa pagpanaw ng isa sa mga itinuturing na icon nito.