Sumakabilang buhay na ang sikat na Pinoy Artist na si Mauro Malang Santos.
Ipinabatid ito ng anak ni Santos na si Simon bagamat hindi naman tinukoy ang naging sakit nito.
Ang walumput siyam (89) na taong gulang na award winning cartoonist, illustrator at fine arts painter ay sumakabilang buhay Sabado ng umaga sa kanilang tahanan.
Si Malang na isa sa mga kinikilalang icon pagdating sa local art scene sa bansa ang lumikha sa karakter ni Kosme na una nang nalathala sa Manila Chronicles at kinilala bilang kauna-unahang english language daily comic strip sa Pilipinas.
1995 nang itayo ni Malang ang Bughouse na kauna-unahan namang art gallery sa bansa na nakatutok sa cartoons creation.
Ang labi ni Malang ay nasa Arlington Chapels sa Araneta Avenue sa Quezon City.
By Judith Estrada – Larino
Photo Credit: Soler Santos