Asahan na ang pag-ulan sa silangang bahagi ng bansa dahil sa namumuong Low Pressure Area (LPA) sa Pacific Ocean.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa loob ng 24 oras ay posibleng maging LPA na ang cloud cluster na magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Caraga, Davao, Eastern Visayas at Bicol.
Sinabi ng PAGASA na mababa lamang ang tiyansang maging bagyo ang naturang LPA.
Samantala, magandang panahon naman na may kasamang isolated rainshowers at thunderstorms ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa easterlies na iiral sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
By Judith Larino