Posibleng bumagsak ang debris mula sa missile attack ng North Korea patungong Guam sa mga karagatang sakop ng bansa.
Bagamat hindi direktang maapektuhan ang Pilipinas, ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, maari pa ring tamaan ng debris ang bansa lalo na ang mga karagatan sa sa hilagang bahagi.
Kasabay nito pinayuhan ni Padilla ang mga mga residente malapit sa naturang karagatan na mag- ingat at manatiling naka alerto.
Tinatayang nasa layong 2,500 kilometro ang Guam sa silangan ng Pilipinas.
Tiniyak naman ni Padilla na nakahanda na ang civil defense sa gitna ng banta ng North Korea.