Kinumpirma ni Silay City Mayor Mark Golez na nagpositibo siya sa COVID-19.
Ayon sa Alkalde, fully vaccinated na siya at nakararanas lamang ng mild symptoms.
Pinaalalahanan naman ni Golez ang mga residente na maging maingat at sundin ang health protocols na itinakda ng pamahalaan.
Si Golez ang ikatlong Alkalde na tinamaan ng virus sa lalawigan ng Negros Occidental.
Nitong Martes nang ihayag rin ni Talisay City Mayor Neil Lizares III na nagpositibo siya sa virus at linggo naman ng i-anunsyo ni Kabankalan City Mayor Pedro Zayco Jr., na tinamaan siya ng COVID-19.—sa panulat ni Hya Ludivico