Suportado ng Catholic Bishops of the Philippines ang silent protest na isinagawa ng dalawang archdioceses laban sa extrajudicial killings sa bansa.
Matatandaang nagsagawa ng protesta ang mga parishioner ng Archdiocese Ong Jaro at Nueva Segovia sa pamamagitan ng pagdadala ng plakards na nananawagan na itigil ang pagpatay at bigyan halaga ang buhay.
Ayon kay National Secretariat for Social Action, Justice and Peace Executive Secretary Fr. Edwin Gariquez, dapat na tularan ng iba pang dioceses ang naging pagkilos ng naturang mga simbahan.
Iginiit ni Gariquez na ang pagpatay sa mga drug suspect na hindi nabibigyan ng due process ay morally unacceptable.
Binigyang diin pa ng simbahan na bagama’t suportado nila ang anti – illegal campaign ng gobyerno ay mariin naman nilang tinututulan ang pamamaraan nito.
By: Rianne Briones