Nagkakagulo umano ngayon ang mga kaalyado ni House Speaker Lord Allan Velasco sa Kamara sa pamamagitan ng tila isang silent war.
Ito’y matapos kuwesyunin ng ilang mambabatas na kaalyado ni Velasco ang pagkakatalaga kay Davao Rep. Paolo “Pulong” Duterte bilang chair ng house committee on accounts.
Sa isang dinner gathering ng mga tagasuporta ni Velasco sa Rizal Park Hotel noong ika-10 ng Nobyembre, biniro umano ni AAMBIS OWA Partylist Rep. Sharon Garin ang nakababatang Duterte na nabigyan ng posisyon kahit hindi naman bumoto kay Velasco.
Hindi umano ito nagustuhan ni Cong. Duterte kaya’t kinumpronta niya si Garin at doon na nagkaroon ng komosyon hanggang sa maawat.
Una rito, napangakuan ni Velasco si Garin ng committee chairmanship subalit naunsyami ito makaraang hindi pumayag si Albay Rep. Joey Salceda na malipat ng komite mula sa kaniyang pinamumunuang ways and means committee na target sana ni Garin.