Bukas na 24-oras ang Public Library at Information Center ng Cebu City.
Ito ay batay sa direktiba ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña.
Ayon sa alkalde, ito ay bilang tugon sa kahilingan ng isang Mitch Roldan na humihiling na maging 24-oras na bukas ang pampublikong silid-aklatan upang may ligtas na lugar ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Sinabi ni Osmeña na kanila nang pina-upgrade ang air conditioner at nagdagdag na rin sila ng staff at security guard para buong araw nang operasyon ng kanilang public library.
—-