Good news para sa mga mahihilig kumain ng maaanghang na pagkain.
Ang madalas na pagkain ng siling labuyo o paghalo nito sa pagkain ay nakatutulong mabawasan ang panganib sa pagkakaroon ng colon cancer.
Bukod dito, maraming tulong ang pagkain ng sili dahil mayaman ito sa Vitamin A, Vitamin C, Potassium, Folic Acid at Fiber.
Nabatid na ang sili ay may taglay na “capsaicin” na isang uri ng sangkap na nagbibigay nang iba’t ibang magandang epekto sa katawan ng tao.
Ang sili rin ay nagpapabilis ng ating metabolism at nagpapainit ng katawan kung saan mabilis nitong matunaw ang mga taba sa katawan.
Ayon sa mga eksperto maraming benepisyong taglay ang sili ngunit hindi ito alternatibong gamot sa anumang uri ng sakit.