Marami sa atin ang nahuhumaling sa kultura ng Korea, lalo na sa kanilang masasarap na pagkain. Nariyan ang kimchi, bibimbap, at siyempre, ang samgyeopsal.
Ngunit handa ka bang tikman ang beondegi?
Ang beondegi ay isang sikat na street food na gawa sa boiled o steamed silkworm pupa.
Kung matatandaan, ang pupa ay ang stage ng buhay ng insekto kung saan sila nababalutan ng cocoon.
Sikat man ang beondegi sa mga kalsada ng Korea, maaari pa rin itong mabili sa grocery stores at convenient stores nang naka-lata.
Simula 1920s, kinakain na ang beondegi sa ilang silk farming villages, ngunit naging laganap ito noong Korean War dahil sa kakulangan ng pagkain.
Mayaman ito sa protein, vitamins, fiber, at minerals. Mayroon itong savory at acidic taste na may pagka-fishy at nutty. Crunchy ang outer shell nito, habang soft and juicy ang laman. Ayon sa ibang nakatikim na, lasa itong de-latang mais.
Dahil sa matapang na amoy nito, hindi na tinitikman ng ilang foreigners ang beondegi. Ngunit para sa mga nakakain na nito, worth it ang pag-try rito.