Ito ay matapos ilampaso kanina ng Gilas Pilipinas ang Chinese Taipei team sa iskor na 96-67.
Pinangunahan ni Gary David ang opensa ng Gilas sa kanyang 18 puntos na naiambag.
Sa unang quarter pa lamang llamado na agad ang Gilas sa score na 24-21. At nang tumuntong ang second period nagsimula nang lumaki ang lamang ng Gilas kontra sa Chinese Taipei sa score na 50-32.
Natapos nang Gilas ang nasabing tournament sa 6-2 win-loss record. Tanging South korea at Iran, na siyang nakakuha ng gintong medalya, ang nakatalo sa basketball national team ng Pilipinas.
Sa kasaysayan ng William jones cup, naka 4 na gintong medalya na ang Pilipinas at 3 bronze. Pero ngayon pa lamang nagkaroon ang ating bansa ng silver medal sa nasabing tournament.
By: Jonathan Andal