Aprubado na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 7233 o panukalang “Sim Card Registration Act.”
Sa botong 167-6, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 7233 upang matunton ang mga indibidwal na gumagamit ng mobile phones para sa kanilang iligal na aktibidad.
Sa ilalim ng panulaka, ang public telecommunication entities o mga nasa telecommunications service o direct seller ay inaatasang humingi ng identification na may larawan ng bibili ng sim card.
Dapat ding sumulat ang sim card end-user sa controlled-number registration form.
Inaatasan din ang mga direct seller na i-rehistro sa sim card registration form ang buong pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian at address ng sim card user.
—-