Pagde-debatehan na sa Senado ang panukalang Sim Card Registration Bill.
Ito’y matapos sponsoran ni Senate Public Services Committee Chairperson Grace Poe ang Senate Bill 1310 na naglalaman ng Committee Report 5.
Ang naturang Bill ay consolidated version ng iba’t ibang panukalang nakabinbin sa Senado na naglalayong hadlangan ang masamang hangarin na mga scammer at kriminal.
Kongkretong hakbang din ito para sa mas ligtas na linya ng telekomunikasyon, matunton ang mga gumagawa ng kalokohan o nagpapadala ng text scams sa publiko.
Matatandaang na-veto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinasang Sim Card Registration Bill ng 18th Congress, dahil sa probisyon tungkol sa pagpaparehistro rin ng mga social media account.