Lusot na sa House Committee on Information and Communications Technology ang Sim Card Registration Bill.
Inaprubahan ni Committee Chair Navotas Representative Toby Tiangco ang pag-consolidate sa House Bill 14 ng iba pang kaparehong panukala.
Mababatid na sa ilalim ng panukala, ang lahat ng bumibili ng sim card ay dapat na sumagot ng registration form at magpakita ng isang valid identification card nakasaad din dito ang pagpapataw ng parusa sa mga lalabag.
Bagama’t maaari lamang gamitin ang mga impormasyon kung mayroong utos ng korte o kung mayroong request ang isang law enforcement agency kaugnay ng isinasagawa nitong imbestigasyon.
Samantala, ang mga bumili ng sim card bago ang pagpapatupad ng panukala ay kailangan ding magparehistro.