Mas pinadali at ginawang mas convenient ng Globe ang pagpaparehistro ng sim card ng fully verified Gcash users bago ang July 25 deadline.
Sa isang simpleng text lamang ang mga Globe subscriber na Gcash users din ay kaagad makakapagparehistro ng kanilang sim bilang tugon sa Republic Act 11934 o Sim Registration Act at makakapag-avail ng 1GB ng libreng dara ang makakakumpleto ng registration.
Ayon kay Globe Group President at Ceo Ernest Cu, naniniwala sila sa kapangyarihan ng teknolohiya para mai-streamline ang mga proseso at mapaganda pa ang customer experience sa pamamagitan nang pagbibigay ng mabilis at simpleng paraan para sa globe subscribers na makapagparehistro ng kanilang sim tungo sa pagpapalakas ng consumer security at masiguro ang tuluy-tuloy na connectivity services.
Sa ilalim ng bagong registration protocol, ilang piling Globe subscribers ang makakatanggap ng notification na nag-iimbita sa kanilang i-register ang kanilang sim sa pamamagitan nang pagte text ng “Gcash” kasunod ang kanilang birthdate sa “MMDDYY” Format o “Gcash 052283″ Sa 8080 at ito ay magiging operational hanggang July 19, 2023.
Kung magpaparehistro sa paraang ito maaaring i-request ng subscribers sa Gcash na maipadala ang kanilang account details sa Globe at i-certify na tama o accurate ang lahat ng details na una nang isinumite sa Gcash kabilang ang full name, birthday, sex, address at ID’s.
Ito ang patunay nang pagtutulungan ng Globe at Gcash para ma empower ang kanilang custyomers at mabigyan sila ng pagkakataong gamitin ang kanilang right to data portability sa ilalim ng Data Privacy Act.
Kapag natanggap na ng Globe at na validate na ang mga impormasyon makakatanggap ang mga customer ng aknowledgment text message sa loob ng ilang araw lamang.
Ang text method ay ikalawang paraan ng sim registration sa pamamaghitan ng Gcash na ang una ay sa pamamagitan ng app.
Habang papalapit ang deadline sa sim registation, patuloy ang paghimok ng Globe sa fully verified Gcash users na gawin na ang easy registration process na available sa pamamagitan ng text messaghe at Gcash app.
Samantala, ang Globe customers kabilang ang Gcash users na mayruong unverified Gcash accounts ay maaaring gamitin ang Globeone app o sa Globe microsite na https://new.globe.com.ph/simreg para makapagparehistro ng sim samantalang mayruon ding in person assistance na available sa globre stores at easy hubs sa buong bansa.