Naglabas ng memorandum order ang National Telecommunications Commission na naglilinaw sa ilang probisyon ng SIM Registration Act.
Para ito sa mga SIM card na ginagamit ng mga government agencies na kinakailangan ding ma-irehistro.
Ayon sa NTC, lahat ng SIM card ay dapat na mai-register, kabilang ang mga ginagamit sa executive, judicial at legislative departments, maging sa government-owned and controlled corporations, constitutional commissions, state universities and colleges, government financial institutions, at local government units.
Sinabi pa ng NTC na obligado ang mga government entities na magsumite ng Certificate of Registration sa BIR at isang department o office order na nagtatalaga ng isang authorized representative upang irehistro ang sim para sa ahensya.
Ang mga SIM card ay irerehistro sa ilalim ng pangalan ng government entity.
Gayunman, ang mga personal SIM na naka-assign para tumanggap ng communication expenses at load allowances ay dapat na nakarehistro sa pangalan ng user.
Ang nasabing proseso ay kahalintulad din sa mga negosyo o kumpanya na kinakailangang irehistro ang official company SIM cards sa ilalim ng pangalan ng kumpanya.