Aprubado ng mayorya ng mga Filipino ang mandatoryong pagpaparehistro ng sim card alinsunod sa Sim Registration Law.
Batay sa Social Weather Stations survey, 60% ng respondents ang pabor sa nasabing batas, 17% ang tutol habang 23% ang undecided.
Isinagawa ang survey noong September 29 hanggang October 2 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,500 adults.
Ang Republic Act 11934 o Sim Card Registration Act, ang kauna-unahang batas na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos.