Nakatakdang magbukas ang National Telecommunications Commission (NTC) ng sim registration facilities sa mga liblib na lugar para sa mga residenteng walang internet connection.
Ito, ayon kay NTC Consultant, Engr. Edgardo Cabarios, ay batay sa Implementing Rules and Regulations (IRR) Ng Sim Registration Law.
Dapat itayo ang mga ito sa mga liblib na komunidad sa bansa sa loob ng 60 araw makalipas ang pagpapatupad ng nasabing batas.
Nakasaad anya sa IRR Na dapat makipag-ugnayan ang NTC at Department of Information and Communications Technology sa mga lokal na pamahalaan upang magtalaga ng registration centers.
Dapat ding isagawa electronically ang sim registration sa pamamagitan ng isang secured platform o website na inilaan ng mga telco.
Maaari ring maglatag ang mga telco firm ng registration facilities katuwang ang Departments of the Interior and Local Government (DILG) at Education (DEPED).