Labag sa Right to Privacy at hindi solusyon kontra text scams ang panukalang batas na mandatoryong pagrehistro ng subscribers ng kanilang sim card.
Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate, mayroong specialty tools na ginagamitang mga nais manloko upang magpadala ng mga bogus na text alerts.
Magiging abala lang aniya ito at pahihirapan ang NTC na pangunahan ang bugso ng mga irerehistrong sim cards.
Giit ng mambabatas, ilaan na lang ang pondo para sa imprastraktura nang magkaroon ng maayos na internet connectivity sa bansa.
Matatandaang, pasado na sa huling pagbasa ng Kamara ang naturang panukala nitong Lunes. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11), sa panulat ni Joana Luna