Naniniwala ang National Telecommunications Commission (NTC) na hindi na kailangan pang palawigin ang anim na buwang sim registration sa bansa.
Kumpiyansa si NTC director Imelda Walcien na matatapos nila ng mga telecommunication company ang pagrerehistro sa halos 169M sim cards hanggang sa deadline nito na April 26.
Alinsunod sa batas, mayroon lamang 180 araw ang mga telco upang irehistro ang mga sim cards o simula noong Dis. 27 ng nakaraang taon.
Gayunman, kung mabibigo anya ang mga telco na matapos ang registration, maaari namang palawigin ng Department of Information and Communications Technology ang proseso ng apat pang buwan.
Hanggang nitong Biyernes, halos 15M sim cards na ang nakarehistro o 9% ng kabuuang 168.98 million sim cards na ginagamit sa bansa.
Binubuo ito ng 7.2 million mula sa Smart; 6.3 million sa Globe habang 1.2 million sa DITO telecommunity.