Magiging katuwang na ng Philippine National Police o PNP ang mga simbahan sa pagbabalik ng kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Ito ayon kay PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa ay para ipakitang tapat ang PNP na mabigyan ng tsansang magbagong buhay ang mga sangkot sa droga.
Isasama aniya nila sa kanilang pagkatok sa mga kabahayan ang mga pari kayat hinihimok nila ang mga drug pusher at user na samantalahin ang Oplan Tokhang Part 2.
Bato binigyang katuwiran ang mabilisang pagbabalik ng PNP sa war on drugs
Binigyang katuwiran ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang mabilisang pagbabalik ng PNP sa kampanya kontra iligal na droga.
Ito ay kahit isang buwan pa lamang ang nakakalipas nang suspendihin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP sa nasabing kampanya.
Sinabi ni Bato na hiningi ng sitwasyon ang kanilang pagbabalik sa war on illegal drugs nang mapansin ng Pangulo ang pagtaas ng drug activities sa ibat ibang lugar bukod pa sa kulang ang PDEA personnel na nasa halos 2,000 lamang.
Tiniyak naman ni Bato na kahit mabilis angh pagbabalik ng kampanya kontra droga pinaghandaan naman nila aniya ito ng mabuti para matiyak na hindi na mauulit ang kanilang mga kamalian noon.
By Judith Larino |With Report from Jonathan Andal