Hinikayat ng Simabahang Katolika ang mga lokal na pamahalaan na paiiksin nito ang kani-kanilang crufew hours para bigyang daan ang pagsasagawa ng mas maraming misa sa nalalapit na Simbang Gabi.
Ayon kay Manila Bishop Broderick Pabillo, sa paraang ito ay masisigurong masusunod ang physical distancing kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) , lalo’t maraming schedule ng misa ang pwedeng daluhan ng bawat nanampalataya.
Ibig sabihin, nasi ni Pabillo, na simulan ng alas-3 ang curfew hanggang alas -5 ng umaga.
Bukod pa rito, nanawagan din si Pabillo sa mga mananampalataya na magsimba ngayon Undas lalo’t isasara ang mga sementeryo.
Sa paraang ito, pupwede aniyang ipagdasal ng publiko ang kani-kanilang namayapang mahal sa buhay.