Sinisi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang simbahan at human rights groups sa mabagal na pag-usad ng mga kaso nang pagpatay kina Kian Loyd Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo ‘Kulot’ De Guzman.
Binigyang diin ni Aguirre na dapat mabatid ng simbahan ang pagiging hiwalay nito mula sa estado o tinatawag na separation of church and state, base na din sa konstitusyon.
Sinabi ni Aguirre na hindi dapat nakikialam ang simbahan sa mga ganitong krimen na ang imbestigasyon ay kargo ng gobyerno.
Magugunitang inilagay ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa kaniyang custody ang mga testigo sa pagpatay kay Delos Santos para aniya mapangasiwaan ang hustisya.