Dapat humingi ng paumanhin sa mga “gay people” ang Simbahang Katoliko dahil sa naging pagtrato sa kanila ng simbahan.
Pahayag ito ni Pope Francis sa harap ng mga reporters sa halos isang oras na malayang pakikipag-kwentuhan sa mga reporters habang sakay ng eroplano pabalik ng Roma mula sa Armenia.
Ayon kay Pope Francis, walang karapatan ang simbahan na husgahan ang gay community.
Tama lamang din anya na humingi rin ng tawad ang simbahan sa maling pagtrato sa mga babae, sa pagbubulag-bulagan nito sa child labor at sa basbas na ibinibigay nila sa napakaraming mga armas.
By Len Aguirre