Pinakikilos ni Senador Leila de Lima ang Simbahang Katolika laban sa anya’y pagtarget sa mga pari sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay De Lima, lantaran na ang pambabastos, pangungutya at pagbalahura sa simbahan kaya’t dapat nang kumilos ang pamunuan ng simbahan.
Pinuna ni De Lima na tila ginawa nang Davao ng Pangulo ang buong Pilipinas, kung saan anya pinapatay ang mga mahihirap, mga bata, mga walang kalaban laban at ngayon ay pati ang mga pari.
Una nang sinabi ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga berbal na atake ng Pangulo sa mga pari ay maaaring makahikayat ng krimen laban sa mga alagad ng Diyos.
—-