Magpapasaklolo na ang Simbahang Katolika sa United Nations (UN) kaugnay sa mga kaso ng extrajudicial killings sa bansa.
Ayon kay Father Amado Picardal ng Baclaran Church, kanilang pinaniniwalaan na state sponsored ang mga nangyayaring pagpatay sa mga umano’y sangkot sa iligal na droga sa bansa.
Aniya, may mga pulis na nakokonsensya na at sa pamamagitan ng kumpisal ay nagpahiwatig na may nagbibigay ng utos sa kanila.
Inihahanda na umano nila ang kanilang mga nakalap na dokumento kaugnay sa extrajudicial killings na dadalhin sa Geneva upang ilapit sa UN.
Aminado rin si Father Picardal na walang ngipin ang Commission on Human Rights (CHR) para matigil ang mga pagpatay sa bansa.
By Krista de Dios