Aminado ang isang obispo ng simbahang Katolika na kulang pa ang kanilang mga nagawa upang protektahan at pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa.
Ayon kay Diocese of San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza, pinuno ng Church – Workers Solidarity Movement, tila dumidistansya ang mga taong simbahan pagdating sa usapin ng mga manggagawa.
Dahil dito, hinimok ng obispo ang simbahan na muling pag-aralan nito ang lebel ng pamumuno sa mga mananampalataya upang maimulat ang lahat sa pagmamalasakit sa mga manggagawa.
Ginawa ng obispo ang pahayag bilang reaksyon sa iba’t ibang survey na nagsasabing nananatiling problema ng bansa ang kahirapan at kawalan ng trabaho.