Lumahok na rin ang Simbahang Katolika sa mga nananawagan na pag-usapang muli ng gobyerno at kilusang komunista ang kapayapaan.
Sa isang pahayag, sinabi ng Ecumenical Bishops Forum na usapang pangkapayapaan pa rin ang magandang paraan sa pagtugon sa ugat ng armadong pakikibaka.
Naniniwala rin, anila, sila na naging produktibo ang peace talks na isinulong ng administrasyong duterte.
Partikular dito ang mga nalagdaan ng alituntunin para sa comprehensive agreement on the respect for human rights and international humanitarian law.
By: Avee Devierte