Umapela ang Simbahang Katolika sa bagong administrasyon na tugunan ang mga isyung may kaugnayan sa mga kababaihan, kabataan at mga katutubo.
Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, hindi dapat maantala ang mga programa para sa pangangalaga sa mga bata.
Naniniwala rin ang simbahan na marami pa ring kababaihan ang biktima ng exploitation sa panahon ngayon habang nananatiling marginalized ang mga katutubo.
Una rito, tiniyak ng simbahan ang kanilang suporta sa bagong liderato ng pamahalaan.
By Ralph Obina