Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Simbahang Katolika, isang araw matapos magkasundong iwasan muna ang pagbatikos sa isa’t isa.
Sa kanyang talumpati sa isang business summit sa Pampanga, hindi napigilan ni Pangulong Duterte na supalpalin muli ang mga alagad ng Diyos na bumabatikos sa kanya partikular ang Australian nun na si Sister Patricia Fox.
Nagbanta pa ang Punong Ehekutibo sa sinumang gumagamit sa pangalan ng Diyos upang atakihin siya maging ang gobyerno.
“Huwag mong isali ang Diyos mo doon sa platform of your criticism in your attack because when I answer, ‘pagka sinabi mo sa isyu, sinali mo ang Diyos, pu***g ina, patay ang Diyos na ‘yan.”
“I have the right to answer. There is a separation of powers. Why are you fucking… the name of the Lord against me?” Pahayag ng Pangulong Duterte
Sa kabila ng mga banat, muling ipinagmalaki ni Pangulong Duterte ang Panginoon na kanyang pinaniniwalaan na wala anyang katulad na Diyos sa ibang relihiyon.
“You know, my God never created hell, because if he created hell, he must be a stupid God. My God is not stupid to create man just to burn him in hell. Hindi ako naniniwala ng gano’n eh. I do not believe in heaven because if I do, only a fraction of you will ever enter heaven.” Dagdag ng Pangulong Duterte
—-