Nagbabala ang Simbahang Katolika, laban sa mga naglalabasang survey.
Ayon kay Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo, gimik lamang ng mga pulitiko ang survey, at hindi dapat magpadala dito ang mamamayan.
Binigyang diin ni Pabillo na makakabuti kung ang susundin ng botante ay ang kanyang konsensya, kahit maliit ang tiyansang manalo ng kanyang nais na kandidato.
Iginiit din ng obispo na hindi dapat nagbebenta ng boto ang mga mamamayan, dahil isa itong uri ng korapsyon.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)