Nanawagan ang isang Obispo ng simbahang Katolika sa mga Information Technology o IT expert na kumilos upang supilin ang Child Web Pornography sa bansa
Ayon kay Nueva Segovia Archdiocese Archbishop Marlo Peralta, batid niya ang maitutulong ng mga IT expert para maresolba ang nasabing problema
Nangangamba rin ang Arzobispo sa patuloy na paglala ng problema lalo’t ito aniya ang nagiging ugat ng krimen tulad ng pedopilya partikular sa mga dayuhang turista na nasa Pilipinas
Ginawa ng arzobispo ang pahayag kasunod ng ulat ng United Nations Children’s Fund o UNICEF na mayruong Pitong Libong kaso ng cybercrime ang naitatala sa Pilipinas kada buwan na ang mga biktima ay pawang mga kabataan
By: Jaymark Dagala