Pinakiusapan ng simbahan ng Quiapo ang mga deboto ng Itim na Nazareno na huwag nang magtangkang akyatin ang bagong-linis na andas.
Kung saan nasa loob na ng salamin ang Itim na Nazareno at tanging ang dulong bahagi ng krus na lamang nito ang nakalabas.
Hindi na rin maaaring akyatin ang andas gaya ng nakagawian sa mga nakaraang Traslacion.
Paliwanang ni Rev. Father Hans Magdurulang, ang ginawang bagong bihis sa andas ay hindi malaking pagbabago kundi pagpapanumbalik upang makita ng lahat ng deboto ang imahin ng Poong Nazareno.
Kaugnay nito, may 8 miyembro pa rin ng Hijos Del Nazareno sa andas na siyang sasalo ng mga inihahagis panyo upang ipahid sa imahin ng Itim na Nazareno.