Inanunsyo ng Archdiocesan Shrine ng Santo Niño sa Tundo, Maynila ang pansamantalang pagsasara ng simbahan dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases, ilang araw bago ang pista ng Sto. Niño.
Sarado ang Simbahan simula Enero a –15 hanggang a–16 upang mapigilan ang hawaan ng COVID-19 ng mga deboto.
Tiniyak naman ng pamunuan ng Tondo Church na magpapatuloy ang mga misa sa pamamagitan ng Facebook livestream.
Ito na ang ika-7 Simbahan sa Metro Manila na ipinasara pansamantala dahil sa paglobo ng COVID-19 cases.