Tila nabigo ang maraming simbahan sa Metro Manila sa paghahanda nito sa kaarawan ng Birheng Maria ngayong araw na ito.
Kasunod na rin ito nang pagbawi ng IATF sa unang anunsyo nitong ilagay na sa GCQ mula sa MECQ ang Metro Manila. Simula sana ngayong araw na ito.
Nabatid na maraming parokya ang nag-post na sa social media na pupuwede nang pumasok sa simbahan ang mga tao sa limitadong kapasidad lamang simula ngayong araw na ito, subalit nalungkot ang mga ito nang manatili sa MECQ ang NCR.
Ayon sa PACO church sa Maynila, hindi muna matutuloy ang mga pampublikong misa ngayong araw na ito hanggang sa maging maayos ang desisyon ng IATF hinggil sa quarantine restrictions sa Metro Manila.
Ganito rin ang pananaw ng Basilica Minore De San Pedro Bautista sa Quezon City, Sta Cruz church sa Maynila at Most Holy Redeemer Church sa Masambong sa Quezon City.
Dahil dito, balik muli sa livestream o online ang lahat ng mga misa sa mga gustong magsimba ngayong birthday ni Mama Mary.