Patay ang walo katao at sugatan ang 45 iba pa matapos atakihin ng apat na suicide bombers ang isang simbahan sa Southwestern Pakistan.
Ayon kay Sarfraz Bugti, Home Minister ng Baluchsitan Province, lumusob sa simbahan sa Quetta City ang mga suspek, suot ang vest na punung-puno ng mga pampasabog at umatake na ang mga ito.
Nakipagpalitan ng putok ang police guards sa mga suspek bago nakapasok sa mismong loob ng simbahan at napatay ang isa sa mga ito at pinasabog ang kaniyang sarili ng isa pang suspek samantalang nakatakas ang dalawang iba pa.
Sinabi ng mga awtoridad na nakaalerto na ang Bethel Memorial Methodist Church dahil kadalasang tinatarget ng Islamist Extremist tuwing Kapaskuhan ang mga simbahan.
Wala pa namang umaako sa nasabing pagsabog.
—-