Umapela na ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga lider ng gobyerno na tumuon sa pamumuno at paglilingkod sa mga Pilipino.
Sa gitna ito ng tumitinding tensyon sa pulitika sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Nanawagan din si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga lider na isantabi ang kanilang pagkakaiba at sa halip ay magtrabaho na lamang para paunlarin ang lahat ng mga mamamayan.
Handa naman si Bishop Santos na tulungan ang magkabilang kampo na ayusin ang kanilang mga gusot.
Magugunitang nagbanta si Duterte na may kinausap na itong papatay kay Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez kapag siya at pinatay bagay na pinalagan ng punong ehekutibo.