Binatikos ng simbahang katolika ang Commission on Elections sa pagtanggi nitong i-activate ang voting receipt printing feature ng mga vote counting machine sa May 9 polls.
Ayon kay Lipa City Batangas Archbishop Ramon Arguelles, malinaw na mismong ang comelec ang lumalabag sa batas o mandato nito at ipinagkakait sa mga mamamayan ang karapatang matiyak na nabilang ang kanilang boto.
Inihayag naman ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na isang maling hakbang ang desisyon ng COMELEC na huwag na lamang mag-imprenta ng mga resibo.
Magugunita nitong Biyernes ay inanunsyo ni COMELEC Chairman Andy Bautista na pinal na ang pasya ng kanilang Commission En Banc na huwag ng i-activate ang voting receipt sa halip ay gamitin na lamang ang on-screen verification feature.
By: Drew Nacino