Pinalagan ng Simabahang Katolika ang kautusan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na ipagbawal ang mga rosaryo at iba pang religious item sa dashboard ng mga sasakyan.
Ayon kay CBCP Executive-Secretary for Bishops Public Affairs Committee, Father Jerome Secillano, naiintindihan nila na dapat magpatupad ng mga polisiya para sa kaligtasan ng mga motorista.
Sa katunayan ay tutol sila sa paggamit ng mga cellphone at iba pang gadget habang nagmamaneho pero tila “over-acting” na anya kung ipagbabawal din ang rosaryo at iba pang religious item.
Iginiit ni Secillano na pagiging ignorante sa batas trapiko ang tunay na sanhi ng mga aksidente sa lansangan at hindi ang mga rosaryo.
By Drew Nacino | With Report from Aya Yupangco