Isang malaking dagok sa demokrasya sa bansa at separation of powers ng pamahalaan ang pagkatig ng mayorya ng Supreme Court Associate Justices sa Quo Warranto case ng Office of the Solicitor-General laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kina Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo at dating Constitutional Commission member Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na isang malungkot na pangyayari sa hudikatura ang pagpapatalsik ng walong mahistrado kay Sereno.
Iginiit ni Pabillo na dapat manindigan ang mga mamamayan sa hayagang pag-kontrol ng ehekutibo sa hudikatura na co-equal branch ng gobyerno.
Ipinunto naman ni Bacani na malinaw sa 1987 Constitution na isa lamang ang paraan ng pagpapatalsik sa punong mahistrado at ito’y sa pamamagitan ng impeachment.
Ang Quo Warranto case anya ay malinaw na paglabag sa Korte Suprema bilang hiwalay na co-equal branch ng pamahalaan.